Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labing-tatlo katao, nasawi sa Mindanao, situwasyon binabantayan ng Palasyo Malacanang

(GMT+08:00) 2014-01-13 19:24:01       CRI

Labing-tatlo katao, nasawi sa Mindanao, situwasyon binabantayan ng Palasyo Malacanang

MGA TAUHAN SA MINDANAO, INUTUSANG AYUSIN ANG MGA LANSANGAN. Sa patuloy na pagulan sa Silangang Mindanao at Caraga Regions, may mga lansangang napinsala dala ng pagbaha. Inatasan ni Kalihim Rogelio Singson ang kanyang mga tauhang gawin at linisin ang mga lansangan sa pinakamadaling panahon. (Melo Acuna/File Photo)

TINIYAK ni Communications Secretary Herminio Coloma na binabantayan at minamatyagan ng pamahalaan ang nagaganap sa Mindanao at titiyakin din ang kaligtasan ng mga naninirahan mula sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Ayon kay Kalihim Coloma, ang mga Disaster Risk Reduction Management Councils ay nakatutok sa mga apektadong komunidad.

"Masinsin ang pagtutok ng mga local na DRRMC upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa mga apektadong komunidad at ang kanilang agarang pagkilos ay sinusubaybayan ng NDRRMC," dagdag pa niya sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag.

May 13 katao na ang namatay sa Davao Oriental at Compostela Valley noong ngayon kasunod ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dala ng low pressure area.

Ayon sa mga balitang nakarating sa Maynila, may 30 katao ang sugatan samantalang may 120 tahanan ang nasira. Libo katao ang lumikas at suspendido ang mga klase sa mga paaralan sa patuloy na pag-ulan.

Ilang mga lansangan naman ang 'di madaanan dahilan sa mga pagbaha at pagulan sa CARAGA (Region 13) at Davao Region (Region 11).

Ayon sa Department of Public Works and Highways sa Region 13, nagkaroon ng mga pagguho ng lupa, pagkasira ng mga lansangan at pagbaha sa iba't ibang bahagi ng rehiyon na kinabibilangan ng national highways. Hindi madaanan ng mga sasakyan ang mga lansangang ito. Anim na road sections ang napinsala.

Inutusan ni Secretary Rogelio L. Singson ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng madaliang clearing operations upang ligtas na magamit ng mga motorista.

Halos tatlong talampakan ng baha ang tumama sa ilang bahagi ng mga lansangan.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>