|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, magsasalita sa Good Governance Summit
MAGSASALITA si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Good Governance Summit na itataon sa paglulunsad ng ilan sa pinakamahalagang palatuntunan ng pamahalaan, ang Good Governance and Anti-Corruption Cluster Action Plan 2013-2016, ang Cashless Purchase Card System at ang Open Data portal sa Open Government Data-Philippines. Idaraos ang pagpupulong sa Philippine International Convention Center sa Miyerkoles.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Edwin Lacierda, ang mga palatuntunang ito ang magpapalakas sa pamahalaan at kakayahan ng civil society na matiyak na sa tamang paraan ginugugol ang salapi ng bayan.
Sa Huwebes, dadalo si Pangulong Aquino sa ika-63 anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development. Personal niyang pasasalamatan ang mga tauhan ng DSWD sa walang pagod na paglilingkod sa mga biktima ng bagyong "Yolanda."
Ani Kalihim Lacierda, sa dalawang pagkakataong ito makikita ang isang pamahalaang tapat na naglilingkod sa bayan. Kung mababawasan ang katiwalian, tiyak na mababawasan ang kahirapan sapagkat ang salaping nakalaan ay maayos na pakikinabangan ng madla.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |