|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga Pilipino sa Yemen, nais bumalik na sa bansa

KALIHIM BALDOZ: NAIS UMUWI NG 36 NA PILIPINO MULA SA YEMEN. Matapos ang madugong pananalakay sa pagamutang pag-aari ng Ministry of Defense sa Sana'a na ikinasawi ng 56 katao na kinabibilangan ng pitong Pilipino, nais nang umuwi ng 25 mga kawani ng pagamutan at 11 mga Pilipinong mayroong expired visas at work permits. (Melo Acuna/File Photo)
SINABI ni Labor and Employment Secretary Rosalinda D. Baldoz na hinihiling ng 36 na Overseas Filipino Workers at isang bata na makauwi na sila sa Pilipinas kasunod ng pagkasawi ng 56 katao na kinabibilangan ng pitong Pilipino.
Ayon sa kalihim, binabantayan nila ang mga nagaganap sa Yemen at regular na kausap ang mga kasapi ng Philippine contingency team doon. Idinagdag pa ni Kallihim Baldoz na tanging kaligtasan ng mga OFW sa Yemen ang kanilang prayoridad.
Ginawa ni Kalihim Baldoz ang kanyang pahayag matapos matanggap ang ulat ni Labor Attache David Des Dicang na ipinadala ng Department of Labor and Employment sa Yemen, 25 sa 36 na OFWs na humihiling ng repatriation ay mga kawani ng Ministry of Defense Hospital sa Sana'a, kapitolyo ng Yemen.
Inaayos pa ng ospital ang flight details ng 25 mga manggagawa na inaasahang makakauwi sa Pilipinas ng tatlong grupo. Sasagutin ng Defense Ministry Hospital ang kanilang pamasahe. Nagbigay din ang pagamutan ng tatlong buwang sahod at bonus na katumbas ng dalawang linggong sahod.
Ang 11 mga OFW at isang bata na nais umuwi ay mayroong expired visas na kailangang magmulta ng $ 1.5 sa bawat araw at US $ 1.5 bawat araw para sa expired work permits. Sasagutin na umano ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang kanilang mga pamasahe.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |