|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim Abad at Alcala, tumanggi sa akusasyon
WALA umanong naganap na anumang transaksyon kay Gng. Janet Lim Napoles si Kahilim Florencio Abad na dating kongresista mula sa Batanes. Sa isang pahayag, sinabi niyang samantalang kilala niya ang isang Jamin, walang anumang transaksyong namagitan sa kanila. Walang katotohanan ang akusasyon ni Gng. Napoles na ginawa niyang ahente si Jamin.
Sa isang pahayag na inilabas ngayon, binanggit na umano ni Atty. Levi Baligod na walang anumang transaksyong naganap sa kanila. Ilang mga kawani ng Department of Budget and Managgement ang nagsabing noong 2010, ilang beses dumaan si Gng. Napoles sa kanyang tanggapan sa pagtatangkang ipakilala ang kanyang sarili subalit hindi nagkaroon ng anumang appointment sa kanya.
Ipinagtataka niya ang akusasyon ni Gng. Napoles na lumabas sa talaan at sinumpaang salaysay na nakarating na sa Senado. Lumala pa umano ang akusasyon na nagkausap sila noong 2000 at pinakitaan niya sa Gng. Napoles ng isang SARO para sa isang P10 milyong proyekto na ipatutupad umano ng Batanes Electric Cooperative. Walang anumang project na makikita sa record ng National Eelctrification Administration at BatanElCo. Kumpirmado na umano ng NEA at ng electric cooperative ang bagay na ito.
Wala umanong katotohanan ang misteryosong P 10 milyong proyekto, ang pagkikita sa EDSA Shangrila at Cravings-Katipunan, ang crash course sa PDAF at ang pagpapalitan ng milyun-milyong pisong cash. Pawang imahinasyon lamang ang mga alegasyong ito, dagdag pa ni G. Abad.
Sa panig ni Kalihim ng Pagsasaka Proceso Alcala, nanawagan naman siya sa mga pumupuna sa kanya na masusing pag-aralan ang dalawang affidavit na mula sa pinaghihinalaang pork barrel scam mastermind na si Gng. Janet Napoles bago siya husgahan.
Ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng Kawanihan, makikita sa mga sinumpaang salaysay na walang nilabag na kalakaran ang Department of Agriculture sa pagpapatupad ngmga proyekto sa ilalim ng congressional Priority Development Assistance Fund.
Ayon kay Undersecretary Emerson Palad, tagapagsalita ng kagawaran, malabong naganap ang mga akusasyon laban sa kanilang pinuno. Makikita umano sa mga sinumpaang salaysay, naganap ito sa ilalim ng nakalipas na administrasyon at hindi sa ilalim ni G. Alcala.
Idinagdag pa ni G. Palad na makailang ulit nang itinanggi ni Kalihim Alcala na kilala niya at nakasabwatan niya si Gng. Janet Lim Napoles.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |