|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipino, makakabilang sa pararangalan sa UN Peacekeepers Day
MAKAKASAMA sa mga peacekeepers na pararangalan bukas ang namayapang si Sgt. Benson Angot na namatay samantalang kasama sa United Mission sa bansang Liberia noong nakalipas na taon.
Ang International Day of United Nations Peacekeepers ay idaraos bukas, ikaanim na taon na pararangalan ng UN ang higit sa 100 blue helmets na nasawi sa pagtatangkang maibalik ang kapayapaan sa magugulong bansa,
Ang seremonya ang siyang magpapagunita sa panganib na hinaharap ng mga taong naglilingkod sa peacekeeping missions.
Sa kanyang mensaheng nakarating sa Pilipinas, sinabi ni Secretary-General Ban Ki-moon na noong nakalipas na taon, 106 peacekeepers ang namatay sa paglilingkod sa ilalim ng bandila ng United Nations. Umabot nasa 3,200 ang nasasawi sa paglilingkod sa peacekeeping missions.
Nakikiisa ang United Nations sa mga naulila at nagsabing hindi malilimutan ang paglilingkod na ginawa ng mga nasawing kawal mula sa iba't ibang bansa.
Gagawin ang paggunita sa United Nations Headquarters sa New York at sa UN Peacekeeping Operations at mga tanggapan sa buong daigdig. Ang pagdiriwang ng International Day of United Nations Peacekeepers ay sinimulan noong 2002.
Ang paggunita ngayong taon ay nasa kalagitnaan ng pangangailangang para sa kanila. Mayroong 85,000 military personnel, 12,500 police personnel, 17,000 international civilian at national staff na naglilingkod sa 16 na peacekeeping operations sa apat na kontinente.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |