Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtulong ng World Bank sa Peace Process tiniyak

(GMT+08:00) 2014-07-16 09:52:50       CRI

MAGKAKAROON ng mahalagang papel ang World Bank Group sa Mindanao peace process sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pagawaing bayan at maisulong ang kakayahang kumita ng mga mamamayan, maging mas malawak ang kaunlaran at mabawasan ang bilang ng mahihirap.

"Walang kapayapaan, walang kaunlaran."  - Ito ang sinabi ni World Bank Group President Jim Yong Kim sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina sa Fort Bonifacio.  Nasa isang dalawang araw na pagdalaw si Pangulong Jim.  Kahapon nagtungo siya sa Leyte at kanina ay nakipag-=usap kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Malacanang.  (Melo M. Acuna)

Ayon ay World Bank Group President Jim Yong Kim ang bagong panustos ay nagkakahalaga ng US$ 119 milyon at bahagi ng panukalang Philippine Rural Development Project na gagastos sa pagtatayo ng farm-to-market roads, mga tulay, patubig sa mga komunidad, pagkakaroon ng tubig na maiinom sa iba't ibang pook kabilang na ang mga conflict-affected areas ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ani Pangulong Jim, kung hindi magkakaroon ng kapayapaan, hindi magkakaroon ng kaunlaran. Napuna ng pinuno ng World Bank na ang poverty rate ng ARMM ay higit sa 50%, higit sa doble ng national average.

Binanggit na ni Pangulong Jim ang panukalang Philippine Rural Development Project sa kanyang pagdalaw sa Tacloban City kahapon. May total na halagang US$ 508 milyon na magtataas ng income ng mga magsasaka at mga mangingisda sa buong bansa. Itatampok ang panukalang ito sa Board of Executive Directors sa susunod na buwan.

Layunin nilang magkaroon ng may 6,000 hanapbuhay sa Mindanao na kinabibilangan ng ARMM tulad ng ipinanukala ng International Finance Corporation, ang private sector arm ng World Bank.

Samantala, sinabi ni Pangulong Jim na may sapat silang mga paraan upang matiyak na tunay napakikinabangan ng mga mamamayan ang kanilang mga palatuntunan. Mayroon silang sariling panukat upang matiyak na walang nasasayang sa salaping kanilang inilalaan para sa mga proyektong pangkaunlaran.

Dumating sa Maynila kahapon si Pangulong Jim at nakadaupang-palad ni Pangulong Aquino sa Malacanang kanina.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>