Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtulong ng World Bank sa Peace Process tiniyak

(GMT+08:00) 2014-07-16 09:52:50       CRI

Maraming mga pook nasa ilalim ng Signal No. 3; Glenda, nasa sa Bicol

Maulan sa Maynila.  Sapagkat inaasahan ang bagyong "Glenda" sa Maynila bukas, nadarama na ang matinding ulan sa Kamaynilaan.  Sa Bicol, sinabi ni Police Director Vic Deona na wala na silang kuryente at libu-libo katao na ang inilikas.  May state of calamity declaration sa Tabaco City si Governor Jose Sarte Salceda.  (Melo M. Acuna)

ITINAAS na ang Signal No. 3 sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Burias at Ticao Islands sa Masbate at maging sa Northern Samar matapos makita ang bagyong "Glenda" may 270 kilometro sa silangan ng Legazpi City at kumikilos ng 20 kilometro bawat oras kaninang ika-apat ng umaga.

Kung hindi magbabago ang takbo at bilis nito, tatama si "Glenda" sa pag-itan ng Albay at Sorsogon pagsapit ng gabi. May lakas si "Glenda" na 120 kilometro bawat oras at pagbugso ng may 150 kilometro bawat oras.

Bukas ng umaga, inaasahang dadaan si "Glenda" sa Metro Manila sa pag-itan ng ika-siyam at ika-labing isa ng umaga. Bukas ng hapon, lalabas ang bagyo sa Luzon sa pagdaan nito sa Zambales.

Nakataas ang Signal No. 2 sa Camarines Norte, Masbate, Marinduque, Quezon at pulo ng Polillo, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Metro Manila, Samar at Eastern Samar.

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa Romblon, Oriental at Occidental Mindoro, Lubang Island, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Aurora, Northern Leyte at Biliran Island.

Naglabas na ng babala ang pamahalaan sa mga naninirahan sa mabababang pook at maging sa mga kabundukan na mag-ingat sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa. Pinayuhan na rin ang mga naninirahan sa baybay-dagat na mag-ingat sa pagkakaroon ng daluyong.

May 30 mga international at domestic flights ang kanselado sa sama ng panahon.

Wala ring pasok sa mga paaralan ng Metro Manila at Cavite, sa Albay at iba pang lalawigan sa Bicol.

Deklarado na ang "State of Calamity" sa Tabaco City matapos tamaan ng hanggang baywang na baha dala ng bagyong si "Glenda." Ayon kay Governor Jose Sarte Salceda, deklarado na ang State of Calamity sa Tabaco City.

Samantala, sa Quezon Province, hanggang baywang din ang baha sa Lopez at Calauag.

Ayon kay Bicol Police Director Vic Deona, kasalukuyang binabayo ng malakas na hangin ang Albay pasado alas seis ng gabi. Walang kuryente at libu-libo na ang nagsilikas. Wala pang nababalitang nasasawi, ayon pa sa regional police director.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>