|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Paggalang sa mga sandigan ng demokrasya, kailangan
MATAPOS ang talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang pagtatangkang ipagtanggol ang kanyang Disbursement Acceleration Program, sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas na ang "Rule of Law" ay isang mahalagang bahagi ng isang malayang bansa upang matiyak ang magandang kalagayan ng mga mamamayan.
Sa kanyang pahayag na inilabas halos tatlong oras matapos ang talumpati ni Pangulong Aquino na tumuligsa sa Korte Suprema, sinabi ni Arsobispo Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ipinagtatanggol ang "rule of law" kaya't ang paglapastangan dito ay nakababahala at nakasasama sa kabutihan ng madla.
Anang arsobispo na mahalaga ang pananaw ng pangulo at ang karapatan niyang magpahayag ay nararapat igalang.
Binigyang-diin ng arsobispo na mahalaga rin para sa mga mamamayan na pahalagahan ang nilalaman ng Saligang Batas. Obligasyon ng Hudikatura na pag-aralan ng masinop ang mga isyung dinadala sa kanila at lutasin ang mga ito sa pinakamabuting paraan.
Nanawagan siya sa madla na igalang ang Korte Suprema sapagkat kung saan mayroong pagkakamali nararapat magkaroon ng kababang-loob na aminin ito at kumilos upang maituwid ang pagkakamali.
Tiniyak ng arsobispo na ipagdarasal ng kapulungan ng mga obispo na makarating ang bansa sa daan ng kapayapaan at ang mga pinuno'y maging mabababang-loob at gumagalang sa mga haligi ng kalayaan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |