|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Dalawang mambabatas, humiling ng mas mataas buwis sa mga may-ari ng maraming sasakyan
HINILING nina Congressmen Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City at Maximo Rodriguez, Jr. ng Abante Mindanao, na patawan ng mas mataas na bayarin ang mga taong may higit sa isang sasakyan. Sa kanilang House Bill 4181, daragdagan ang bayarin ng ikalawa at higit pang sasakyan ng iisang may-ari.
Ang mga magrerehistro ng ikalawang sasakyan ay sisingilin ng P 5,000 at ang ikatlong sasakyan ay sisingilin ng P 7,000 at P 10,000 naman sa ikaapat at mga susunod pang sasakyan.
Inaatasan ng panukalang batas ang Department of Transportation and Communications at Land Transportation Office na bumuo ng mga alituntunin upang maipatupad kaagad ang layunin ng batas.
Tumataas umano ang bentahan ng mga sasakyan sa pagkakaroon ng 6.2% sa bawat taon. Lubhang marami na umanong sasakyan sa mga lansangan at walang sapat na lansangan na nakasasama sa buhay ng maraming mga mamamayan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |