|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Senador Estrada, dumating sa Sandiganbayan para sa pagdinig
DUMATING na si Senador Jose "Jinggoy" Estrada sa Sandiganbayan para sa pagdinig sa kanyang petition for bail na may kinalaman sa usaping plunder dahilan sa pork barrel scam.
Dumating ang senador at mga kasama sa Sandiganbayan mga ika-walo ng umaga. Kasama niya ang kanyang mga abogado sa pagdinig. Hiniling ng mambabatas na payagan siyang magpiyansa. Nahaharap siya sa kasong plunder at graft.
Isa si G. Estrada sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder at graft sa pork barrel scam. Kasama niya sina Senador Juan Ponce Enrile at Ramon "Bong" Revilla, Jr.
Sina Estrada at Revilla ay nasa PNP Custodial Center samantalang sa PNP General Hospital nakalagak si G. Enrile.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |