Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, tatapusin ang termino

(GMT+08:00) 2015-02-20 18:04:36       CRI

TUMANGGI ang Malacanang na naghahanda na sila para sa isang exit plan para kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga lumabas na balitang nag-iinit ang militar at may mga panawagang magbitiw na siya.

Sa isang press briefing, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na layunin ni Pangulong Aquinong tapusin ang kanyang gawain hanggang sa susunod na taon.

Ayon kay Atty. Valte, bababa si Pangulong Aquino sa ika-30 ng Hunyo, 2016 at ano mang balitang lumabas na paalis na ang pangulo ay pawang walang katotohanan.

Isang palace insider umano ang nagsabing naghahanda na ang Malacanang sa paglisan ni Pangulong Aquino kung sakaling magpatuloy ang mga demonstrasyon laban sa administrasyon.

Idinagdag pa ng palace source na magkakanlong ang pangulo sa kanilang Hacienda Luisita sa Tarlac at ipagtatanggol siya ng kanyang sariling sandatahang lakas at mga alyado.

Nahaharap ang Aquino administration sa mga pagpuna matapos ang napalpak na PNP Special Action Force operation na ikinasawi ng 44 na pulis sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.

Mas marami umanong sumusuporta sa pananatili ni Pangulong Aquino sa puwesto. Hindi umano nadaragdagan ang mga nananawagan sa pagbibitiw ng pangulo, dagdag pa ni Atty. Valte.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>