|
||||||||
|
||
International Humanitarian Law, paksa ng pagsasanay
SISIMULAN sa Lunes, ika-23 hanggang sa Huwebes, ika-26 ng Pebrero ang pagsasanay ng may 30 kawal sa mahahalagang impormasyon hinggil sa International Humanitarian Law sa Davao City. Kapwa itinataguyod ng Armed Forces of the Philippines at International Committee of the Red Cross ang pagsasanay.
Ang magtatapos ay makakabilang sa mobile training team na magsasanay sa lahat ng mga tauhan ng Hukbong Katihan kasama na ang mga tauhang bumubuo sa Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa 10th Infantry Division sa Panacan, Davao City.
Pangangasiwaan ang pagsasanay ng AFP Human Rights office bilang bahagi ng pagsusulong ng human rights protection at pagtataguyod ng International Humanitarian Law.
Sinabi ni Col. Jose Antonio Carlos Motril, chief ng AFP Human Rights Office na kailangang mabatid ng enlisted personnel at mga CAFGU ang nilalaman ng International Humanitarian law at paggalang sa mga mamamayan, mga sugatan at nadakip na kalaban ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |