|
||||||||
|
||
Sulpicio Lines, Inc. pinagbawalan ng magsakay ng mga pasahero
IPINALABAS na ng Maritime Industry Authority ang kanilang kautusang nagbabawal sa Philippine Span Asia Carrier Inc. na noo'y kilala sa pangalang Sulpicio Lines, Inc. na magsakay ng mga pasahero tulad ng kagilingan ng mga naulila at mga biktima ng lumubog na MV Princess of thre Stars.
Sa isang 50-pahinang desisyon na nilagdaan ni Administrator Maximo Q. Mejia, Jr. at Deputy Administrator for Operations Atty. Gloria J. Victoria-Bañas noong ika-23 ng Enero at inilabas pa lamang ngayon, limitado na lamang sa kargamento ang maisasakay ng mga barko nito mula sa MV Sulpicio Express Dos, MV Sulpicio Express Tres, MV Sulpicio Express Siete, MV Sulpicio Container II, MV Sulpicio Container XIV, MV Span Asia I, MV Span Asia 2, MV Span Asia 3, MV Span Asia 5, MV Span Asia 7 at MV Span Asia 9 at iba pang mga barkong idaragdag sa kanilang mga sasakyang dagat ng kumpanya.
Pinagmulta rin ang Philippine Span Asia, Inc. dahil sa pagkakarga ng endosulfan ng walang pahintulot.
Magugunitang lumubog ang MV Princess of the Stars sa may Romblon noong kasagsagan ng bagyong "Frank" noong ika-21 ng Hunyo 2008. Gawa sa bansang Japan ang barko noong 1984 na kilala sa pangalang Ferry Lilac na pag-aari ng Shin Nihonkai Ferry at may kakayahang magsakay ng 1,992 katao.
Naniniwala ang iba pang mga naulila na aabot pa sa 400 bangkay ang hindi pa nababawi mula sa lumubog na barko.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |