|
||||||||
|
||
Mga manggagawa sa Saudi Arabia, pinaalalahanan
NAGBABALA ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia sa mga mamamayang narooon, partikular ang mga nagtatrabaho sa mga pagamutan, na mag-ingat sa Middle East Resporatory Syndrom-Corona Virus.
Sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas na isang medical worker na kadarating mula sa Saudi Arabia ang kumpirmadong positibo sa MERS-CoV at ginagamot sa Research Institute of Tropical Medicine ng pamahalaan.
Kailangan umano ang ibayong pagtutulungan upang huwag lumaganap sa Pilipinas ang nakahahawang karamdaman. May sintomas ito tulad ng trangkaso at karaniwang nakukuha sa Middle East Region.
Kailangang magtungo kaagad sa duktor ang simumang may ganitong sintomas, lalo na ang mga nagmula sa Gitnang Silangan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |