|
||||||||
|
||
Pilipinas, mangangasiwa sa pulong ng mga mambabatas, mga kinatawan ng human rights groups sa Asia-Pacific region
PUNONG-ABALA ang Pilipinas sa pagtitipon ng higit sa 100 mga mambabatas at mga kinatawan ng human rights groups sa buong Asia-Pacific region upang mag-usapan ang mga praan upang isulong ang karapatang pangtao.
Sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon na ang Senado ng Pilipinas at ang Inter-Parliamentary Union (IPU) at ang Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights ang mangangasiwa sa regional seminar para sa mga mambabatas na pinamagatang "Translating International Human Rights Commitments into National Reality."
May 89 na kinatawan mula sa 20 bansa ang darating sa dalawang araw na pulong mula sa Huwebes at Biyernes, ika-27 hanggang ika-28 ng Pebrero sa Diamond Hotel sa Maynila.
Si Drilon na naging pangulo ng IPU Committee on Human Rights of Parliamentarians ang Lead Convenor ng pandaigdigang pulong samantalang si Senador Aquilino "Koko" Pimentel III na pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang conference chairman. Nakatakda ring magsalita sina Senador Loren Legarda at Justice Secretary Leila de Lima.
Magkakaroon ng mas magandang pagtutulungan ang mga mambabaas sa tatlong iba't ibang antas ng Universal Periodic Review.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |