Si Wang Xiaoshuai ang direktor ng Red Amnesia. Siya ay nagtapos sa Beijing Film Academy. Ang Red Amnesia ang ikatlong bahagi ng trilogy tungkol sa mga pamilya na apektado ng Third Front movement ng Cultural Revolution na naganap noong 1966-1976. Kakaiba ang Red Amnesia sa mga naunang dalawang pelikula ng trilogy - Shanghai Dreams (2005) at 11 Flowers. Una, ang Red Amnesia ay naganap sa present time at nagpokus sa lingering guilt na mula sa mga kagapan 40 taon na ang nakararaan.
Ang pelikula ay walang mga stereotypical scenes tulad ng mga Red Guards na may Little Red Books, slogans na ibino broadcast through loudspeakers, at mga intellectuals na ipinadala sa kanayunan. Sa halip sa pelikualng Red Amnesia, ang buong era ay ipinakita lang sa katauhan ni Lü. Yung kanyang pagiging "old-fashioned" lalo sa sa kanyang mga pananaw at ideya vis-à-vis sa pananaw ng mga batang henerasyon.
Kabilang mga naunang pelikula ni Wang Xiaoshui ay The Days (1993) Suicides (1994) So Close to Paradise (1998) Shanghai Dreams (2005) In Love We Trust (2007). Pinakasikat niyang obra ang Beijing Bicycles (2001) at 11 Flowers (2011). Ang Beijing Bicycle ay nanalo ng Silver Bear Jury Grand Prix sa Berlin Film Festival.
Siryosong pelikula ang Red Amnesia. Kaya kailangang bantayan ang bawat eksena nito. Magaling ang mga aktor lalong lalo na si Lv Zhong na mahaba ang karanasan sa pag-arte sa teatro. Ang Red Amnesia ay dahan dahang huhuli ng inyong kalooban. Itoy banayad na naglahad ng kwento tungkol sa isang henerasyong nabuhay sa limot na panahon sa kasaysayan at sa di inaasahang pagkakataon kinailangan ang muling pagbalik sa mga mapapait na ala-ala para sa ikatatahimik ng isipan.
Alamin ang iba pang detalye ng Red Amnesia sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo kasama ang mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.