|
||||||||
|
||
20150604ditorhio.m4a
|
Ang same-sex o gay marriage ay isang isyung hindi pa rin tanggap sa karamihan sa mga bansa sa daigdig. Nagkakaiba ang pananaw rito ng maraming tao mula sa ibat-ibang antas ng lipunan, pati na ang mga eksperto. Sa atin dyan sa Pilipinas, marami ang nagsusulong nito, pero, dahil mahigpit ang pagtutol ng, pangunahin na, Simbahang Katoliko at iba pang religious organization, hindi ito legal sa bansa. Maging sa Amerika, na tinatawag na sandigan ng demokrasya at kalayaan, hindi pa rin tanggap ang same-sex marriage sa maraming estado ng bansa. Sa ating sariling palagay, mahabang panahon pa ang dapat gugulin bago tuluyang matanggap ng ating lipunan ang ganitong uri ng kasal o maging ang mga tinatawag na Lesbian, Gay, Bi-sexual at Transvestite (LGBT). Dito sa Tsina, hindi nagkakalayo ang situwasyon. Ilegal ang pagpapakasal ng dalawang taong may parehong kasarian at hindi rin ito tanggap ng lipunan. Pero, may mangilan-ngilan na ring mga Tsino ang nakakatanggap ng ganitong uri ng relasyon at pagkatao. Dito po iikot ang ating unang kuwento sa gabing ito.
Nakilala ni Jack Smith ng Britanya ang kanyang partner o asawang Tsino na si Eddy noong 2009. Si Jack noon ay nag-aaral sa Beijing.
Pagkatapos ng isang taon, sila ay nagpakasal sa York, hometown ni Jack sa Britanya. Dumalo sa kanilang kasal ang mahigit 100 panauhin, kabilang na ang mga magulang ni Eddy at kanyang mga pinsan.
Naniniwala si Jack na ang isang tao ay kailangang maging magpakatotoo sa kanyang sarili. Aniya, "If every gay person is open, every gay person is public, every gay person is who they are, it will change people's minds."
Narito ang kuwento nina Jack at Eddy.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |