Si Reggie Geldenhuys ay dumating sa Shanghai, Tsina, 5 taon na ang nakakaraan, kasama ang kanyang kabiyak. Dahil sa kanyang mahigit 10 taong karanasan bilang Disk Jockey (DJ), madali siyang naka-adjust sa buhay sa Shanghai at di-nagtagal, nagging isa sa mga pinaka-in-demand na performer sa mga club sa lunsod. Bukod dito, isa rin siya sa mga regular na personahe sa mga music festival sa buong Tsina. Nakikipag-collaborate din si Reggie sa mga native Chinese DJ para makabuo ng kakaibang uri ng musika para sa masang Tsino. Pero, sa pagdating ng kanyang dalawang chikiting, kailangan ngayong balansehin ni Reggie ang kanyang oras sa pag-di-DJ at pagiging ama. Tunghayan po natin ang kanyang kuwentong Tsina.