Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang dam sa Luzon, nanganganib na mapuno

(GMT+08:00) 2015-07-09 17:32:09       CRI

Dalawang dam sa Luzon, nanganganib na mapuno

NANGANGANIB na mapuno ang dalawang dam sa Luzon kasunod ng ilang araw na patuloy na pag-ulan dala ng panahong habagat.

Ang dalawang dam ay ang La Mesa Dam sa Quezon City at ang Ipo Dam sa Bulacan.

Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), baka umapaw ang mga daw kung magpapatuloy pa ang malakas na ulan.

Kaninang alas onse ng umaga, ang water level sa La Mesa at 79.69 meters. Ayon kay Ronalyn Macalalad, PAGASA hydrologist, ang spilling level ay 80.15 meters.

Ito ang dahilan kaya't nagtaas ng red alert sa Quezon City at sa spillway o padaluyan.

Ang La Mesa Dam ay walang floodgates at sa oras na matamo na nito ang antas, dadaloy na lamang ang tubig sa Tullahan River at posibleng makaapekto sa tabing-ilog.

Ang mga pook na posibleng maapektuhan ay ang Fairview, Forest Hills, Quirino Highway, Capri, Goodwill Homes, Santa Quiteria at San Bartolome, sa Quezon City, Ligon, North Espressway at La Huerta sa Valenzuela City at maging sa Malabon.

Sa Ipo Dam sa Bulacan, ang water level ay 100.94 meters na malapit na sa spilling level na 101 metro. Ayon kay Bb. Macalalad, maaaring magbukas ng isang dam gate upang makapagpadaloy ng tubig sa oras na makamtan ang spilling levels.

Na sa Bulacan din ang Angat Dam na pinagkukunan ng tubig na maiinom ng Metro Manila at umabot na sa 169.94 metro kaninang alas onse ng umaga. Ang minimum operational level nito ay 180 meters.

Suspendido pa rin ang mga klase sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit lalawigan dahil sa pabugso-bugsong ulan at mga pagbaha.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>