Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang dam sa Luzon, nanganganib na mapuno

(GMT+08:00) 2015-07-09 17:32:09       CRI

Lumago ang industriya ng mga sasakyan

TUMAAS ng 21% ang benta ng mga sasakyan ngayong 2015 kung ihahambing sa nakalipas na taon. Sinuri ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines ang datos mula Enero hanggang Hunyo ng magkasunod na taon.

Umabot ang kanilang benta ng 131,465 units at mas malaki sa 108,957 noong 2014. Base sa ular ng CAMPI at Truck Manufactureres Association, ang benta noong Hunyo ay 24,185 units dahil sa kaunlarang nakita sa lahat ng sektor at uri ng mga sasakayan. Nagkaroon ng 23% dagdag kung ihahambing sa benta noong Hunyo 2014.

Nagkaroon ng kaunlarang 30% sa mga pampasaherong kotse at bumenta ng 52,778 units na mas mataas sa 40,609 units noong Enero hanggang Hunyo ng 2014.

Ang passenger car category ay nagtamo ng 19% dagdag sa betang 9,840 units noong Hunyo samantalang umabot lamang sa 8,278 kotse ang naipagbili noong Hunyo ng 2014.

Naganap ang magandang benta sa iba't ibang marketing efforts ng mga kumpanya at pagpasok ng mga bagong sasakyan.

Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, kasabay ng pagunlad sa ibang mga industriya ang kaunlarang natamo ng automotive industry. Ang micro SMEs at SMEs ang lumalawak kaya't nangangailangan ng Asian Untility Vehicles at Sports Utility Vehicles kasabay na rin ang light commercial vehicles.

Sa nakalipas na buwan ng Hunyo, natamo ng Toyota Motor Philippines ang 43.9% market share. Pangalawa ang Mitsubishi Motors Philippines na nagtamo ng 19.2% market share samantalang ang Ford Motor Company Philippines ay mayroong 7.9%. Pang-apat ang Isuzu Philippines na may 7.7% at panglima ang Honda Cars Philippines na nagtaglay ng 6.6% market share.

Ayon sa ibang nagsusuri, dahil sa kakulangan ng mass transport system sa Metro Manila, napipilitan ang mga mamamayang bumili ng mga pribadong sasakyan upang makapasok sa paaralan at kanilang mga tanggapan.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>