May 95% na ng budget ang nailabas sa unang anim na buwan
UMABOT na sa 94.6% ng agency allotments ang nailabas ng Department opf Budget and Management noong nakalipas na a-treinta ng Hunyo. Sa kabuuhan, may 86.6% ng original 2015 program ang nailabas sa unang bahagi ng taon.
Sa ilalim ng GAA-as-Release-Document regime, naihanda na ng Department of Budget and Management ang budget requirements ng mga ahensya sa simula ng taon.
Ayon kay Secretary Florencio Abad, mailalabas ang nalalabing salapi sa oras na makatugon ang mga ahensya sa requirements ng kanilang tanggapan at nagkaroon na sila ng bagong request.
Umabot na sa P 2,257,814,292 ang nailabas na salapi ng Department of Budget and Management ayon sa kanilang pahayag na inilabas kanina.
1 2 3 4 5 6