|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Philippine Red Cross, nagbabala
SA pagkakaroon ng mga epidemya sa iba't ibang bahagi ng daigdig, nagbabantay ang Philippine Red Cross sa mga karamdamang maaaring makapasok sa bansa kaya't kailangan ang paghahanda.
Ayon kay Chairman Richard Gordon, sa pagkakaroon ng higit sa dalawang milyong manggagawa sa iba't ibang bansa sa Gitnang Silangan, kailangang mabantayan ang pagpasok ng Middle East Respiratory Coronavirus o MWERS-CoV na ikinasawi na ng may 32 katao sa South Korea.
Naghahanda ang Philippine Red Cross para sa recruitment at pagsasanay ng mga volunteer sa Red Cross 143 program upang matiyak na may sapat na volunteers sa bansa na magbabantay sa kapaligiran ng Pilipinas.
Kailangang mapigilan ang pagkalat ng iba't ibang karamdaman upang huwag manganib ang mga Filipino, dagdag pa ni Chairman Gordon.
Kumpirmado ng Department of Health na isang foreigner mula sa Gitnang Silangan ang nasubukang mayroong MERS-CoV, ang ikalawang kaso ng karamdaman sa Pilipinas. Na sa DOH-Research Institute for Tropical Medicine ang banyaga.
Unang nadiskubre ang MERS-CoV sa tao sa SAudi Arabia noong 2012 at karamihan ng mga kaso ay nasa Gitnang Silangan. Mag mga pag-aaral na nagsasabing mula ito sa mga kamelyo. Nagkaroon ng ilang isolated cases sa Asia bago lulala ang situasyon sa South Korea na ikinasawi ng 32 katao mula ng pumutok ito noong Mayo, 2015.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |