|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
250 grams ng dried wheat noodles
3 kutsara ng vegetable oil
1 piraso ng luya, tinadtad nang pino
1-2 cloves ng garlic, tinadtad nang pino
6-8 piraso ng shallots, ginayat
100 grams ng hilaw na prawns
2-3 dried black mushrooms, ibinabad at hiniwa nang manipis at pahaba
4 na tangkay ng talbos ng silver beet
100 grams ng red barbecued pork, ginayat
1 kutsara ng light soya sauce
Paraan ng Pagluluto
Pakuluan ang noodles sa loob ng 2-3 minuto. Habang pinakukuluan, paghiwahiwalayin ang mga strand sa pamamagitan ng chopsticks o tinidor.
Patuluin at lagyan ng 1 kutsara ng vegetable oil para hindi magdikit-dikit. Itabi muna.
Initin ang natitirang vegetable oil sa kawali at igisa ang luya, bawang at shallots hanggang maging golden brown. Idagdag ang prawns at mushrooms at ituloy ang paghahalo hanggang ang prawns ay magkulay pink. Pira-pirasuhin nang maliliit ang mga dahon ng gulay at idagdag sa kawali. Ituloy ang paghahalo sa loob pa ng 2-3 minuto tapos idagdag ang karne at hayaang maluto sa loob ng 30 segundo.
Dagdagan ang apoy tapos ilagay ang noodles. Haluhaluin at iluto sa loob ng isang minuto. Ilagay ang light soya sauce at isilbi pagkalutung-pagkaluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |