Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Steamed Whole Fish

(GMT+08:00) 2015-11-15 15:03:10       CRI

Mga Pangunahing Sangkap

1 malaking pomfret, tumitimbang ng mga 500 grams

1 kutsarita ng asin

1/4 na kutsarita ng vetsin

1/4 na kutsarita ng asukal

Puting paminta

Sariwang luya, mga 4 cms ang haba at hiniwa nang manipis at pahaba

2 spring onions, ginayat nang pino

2 dried black mushrooms, ibinabad at ginayat nang manipis at pahaba

2 kutsarita ng tinunaw na lard

Para sa Gravy

Mga 1/2 tasa ng sabaw o tubig

2 kutsarita ng peanut oil

1/4 na kutsarita ng asukal

1/4 na kutsarita ng asin

1/2 na kutsarita ng sesame oil

1 kutsarita ng oyster sauce

Puting paminta

1 sariwang pulang chili, hiniwa nang manipis at pahaba

Sariwang mga dahon ng coriander

Paraan ng Pagluluto

Linisin ang isda at lagyan ng dalawang pahilis na hiwa ang magkabilang tagiliran. Pahiran ng asin, vetsin, asukal at paminta. Iwanan muna nang ganoon sa loob ng 15 minuto.

Gayatin nang manipis at pahaba ang luya at ikalat ang kalahating dami sa isang malalim na plato. Ilagay sa ibabaw ang pinalasahang isda. Ilagay naman sa ibabaw ng isda ang natitirang dami ng luya kasama ng spring onions, dried mushrooms at tinunaw na lard. Pasingawan sa loob ng 14-15 minuto. Gumamit ng skewer para ma-test kung luto na ang isda.

Sa paggawa naman ng gravy, ibuhos sa isang tasa iyong likidong mula sa plato kung saan pinasingawan ang isda. Dagdagan ng kaunting tubig o sabaw para mahustong 1/2 tasa. Initin ang peanut oil sa kaserola tapos idagdag ang sabaw at iba pang sangkap. Pakuluin sa loob ng isang minuto.

Ilagay ang isda sa isang malaking serving platter at dekorasyunan ng coriander leaves at chilli. Budburan ng paminta tapos ibuhos ang gravy.

May Kinalamang Babasahin
cooking
v Shark's Fin and Crabmeat Soup 2015-11-09 11:02:24
v Stir-fried Mung Beans with Bitter Melon Leaves 2015-11-02 09:31:07
v Sauteed Minced Eggplants 2015-10-26 10:00:10
v Shanghai Rolls 2015-10-16 08:33:27
v Paper-wrapped Chicken 2015-10-09 14:10:15
v Chinese Rice Vermicelli Soup 2015-09-25 17:40:55
v Pan-fried Bean Curd with Spring Onions 2015-09-21 10:31:41
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>