|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300 grams ng sweet corn
50 grams ng pine nuts
25 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
1 piraso ng carrot
½ cucumber o 1 green pepper
30 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hiwain ang carrot at ang cucumber o green pepper at gawing hugis dice na sinlalaki ng butil ng sweet corn. Pakuluan ang sweet corn sa isang boiler sa loob ng 2-3 minuto.
Huwag munang lalagyan ng mantika ang kaserola. Initin ang kaserola tapos ilagay ang pine nuts. Haluin nang tuluy-tuloy ang pine nuts tapos itabi muna pag nagbago na ang kulay.
Lagyan ng mantika ang kaserola, at pag mainit na, ilagay ang sweet corn, carrot at cucumber o green pepper. Igisa sa loob ng 30 segundo tapos idagdag ang pine nuts, asin, asukal at mixture of cornstarch and water. Ituloy pa ang paghahalo, at pag pantay na ang pagkakagisa, isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |