|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
3 hilaw na alimango, tumitimbang ng mga 500 grams ang bawat isa
2 gayat ng sariwang luya
3-4 na sariwang red chillies
3 kutsara ng cooking oil
1 kutsara ng salted soya beans, dinikdik nang bahagya
1 kutsara ng asukal
3/4 na tasa ng tubig
4 na kutsara ng tomato sauce
Paraan ng Pagluluto
Hatiin nang pahaba ang alimango at tanggalin ang shell sa likod. Tanggalin din iyong spongy grey matter. Alisin ang mga sipit sa katawan at pukpukin ng likod ng talim ng cleaver para mabasag ang lahat ng parte. Hatiin pa ang bawat bahagi ng katawan sa dalawa o tatlong bahagi at hayaang manatili ang mga paa sa bawat bahagi. Pitpitin nang kaunti ang mga paa. Hugasan nang mabuti ang alimango tapos patuluin.
Dikdikin ang luya at chillies tapos igisa sa mantika sa loob ng 2-3 minuto. Idagdag ang salted soya beans at ituloy ang paggisa sa loob pa ng 1 minuto. Isama ang mga piraso ng alimango at igisa sa malakas na apoy hanggang magkulay pula. Bawasan ang apoy tapos idagdag ang asukal, tubig at tomato sauce. Takpan ang kawali at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto. Huwag kalimutang halu-haluin. Pagkaraan niyan, puwede nang isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |