Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong Pag-asa sa Relasyong Sino-Pilipino, nakikita

(GMT+08:00) 2016-07-14 17:58:17       CRI

Kamakailan ay ginanap sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing, ang film showing ng "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" at "Heneral Luna," bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-118 na Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas at Ika-41 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng ibat-ibang personahe mula sa Lipunang Tsino at diplomatic corps, at isa sa mga ito si Bai Tian, Deputy Director-General ng Department of Asian Affairs ng Ministry of Foreign Affairs (MFA) ng Tsina.

Sa kanyang talumpati, sinabi niyang ang Pilipinas at Tsina ay mayroong libong taong kasaysayan ng pagkakaibigan. At simula nang maitayo ang pormal na relasyon ng Tsina at Pilipinas, nagkaroon ng mainam na pag-uugnayan ang dalawang bansa.

Pero, nitong 6 na taong nakalipas nagkaroon ng mga hadlang sa relasyong Sino-Pilipino dahil sa mga polisiya ni dating pangulong Benigno Aquino III.

"Pero, ngayon, nakikita na natin ang bagong bukang-liwayway," ani Bai.

Nagagalak aniya ang Tsina sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pabutihin ang relasyon at kooperasyon ng Pilipinas sa Tsina.

Nakahanda aniya ang Tsina, na makipagtulungan sa administrasyon ni Presidente Duterte upang muling pag-ibayuhin ang pagkakaibigan, pagtutulungan at mabuting pakikipamuhayan ng Tsina at Pilipinas.

Sa naturang film showing, nagtalumpati rin si Minister at Consul General Elizabeth T. Te, at sinabi niyang pinahahalagahan ng Pilipinas ang relasyon nito sa Tsina.

Kahit bago pa man aniya maitatag ang pormal na relasyon ng Pilipinas at Tsina, ang dalawang bansa ay matagal nang magkaibigan, at mag-partner sa loob ng daan-daang taon, at nitong nakalipas na 41 taon, nagkaroon ng napalaking pag-unlad sa relasyon ng dalawang bansa.

Aniya pa, ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing ay umaasa na makakamtan pa ang napakalaking pag-unlad sa relasyon ng Pilipinas at Tsina at mapapalakas pa ang pagkakaibigan sa pamamagitan ng kooperasyon sa ibat-ibang larangan.

Samantala, pagdating naman sa selebrasyon at dalawang pelikulang Pinoy na kauna-unahang ipinalabas sa Beijing, napili aniya ang dalawang pelikula para ipakita sa mga Pilipino at mga kaibigan mula sa ibat-ibang bansa ang mga napaka-importanteng papel na ginampanan nina Andres Bonifacio at Antonio Luna upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga mananakop.

Ang mga ito rin aniya ay upang ipakita sa buong mundo ang ilang importanteng kaganapan sa kasaysayan ng Lahing Pilipino, na humubog sa kultura, pag-iisip at kamalayan ng mga Pilipino.

Makakatulong aniya ang mga pelikulang ito upang mapalakas ang pag-unawa ng Tsina at buong mundo sa kultura at paniniwala ng mga Pilipino.

Si Bai Tian, Deputy Director-General ng Department of Asian Affairs ng Ministry of Foreign Affairs (MFA) ng Tsina

Si Elizabeth T. Te, Minister at Consul General ng Pilipinas sa Tsina 

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Pelikulang Pilipino, itinanghal sa Beijing 2016-07-08 19:49:30
v Tsina sa mata ng mamamahayag na Pinoy 2016-06-30 17:12:25
v Tsina sa mata ng mamamahayag na Pinoy 2016-06-30 16:46:48
v Karera ng Dragon Boat 2016-06-12 11:05:19
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>