|
||||||||
|
||
20160609ditorhio.m4a
|
Mga kaibigan, sigurado akong narinig na ninyo ang Dragon Boat Festival. Taun-taon, nagkakaroon tayo ng kompetisyon ng pabilisan ng pagsagwan ng bangka sa mga ilog, at madalas dyan sa Manila Bay.
Alam ba ninyo, ang ating Philippine national dragon boat team ay nanalo na ng maraming parangal? Sila ang official representative ng ating bansa sa mga global competitions. Ilan sa mga kompetisyong sinalihan at pinanaluhan ng ating national team sa ilalim ng International Dragon Boat Federation (IDBF) ay ang mga sumusunod:
Venue |
Gold |
Silver |
Bronze |
Total |
2 |
1 |
0 |
3 | |
5 |
2 |
0 |
7 | |
0 |
2 |
2 |
4 | |
4 |
0 |
0 |
4 |
Venue |
Gold |
Silver |
Bronze |
Total |
|
2 |
1 |
1 |
4 |
Venue |
Gold |
Silver |
Bronze |
Total |
0 |
2 |
5 |
7 |
Ayon sa Lunar Calendar, sa taong ito, ang dragon boat festival ay ipagdiriwang sa June 9 hanggang 11. Ang bansang pinagmulan ng dragon boat festival ay Tsina. Ang orihinal na pangalan ng pestibal na ito ay Duanwu Jie.
Ito ay may mahigit 2,000 taong kasaysayan mula pa noong panahon ng Warring States Period.
Pero, ang tanong, bakit ito ipinagdiriwang? Saan ito nagmula? Ano ang kahalagahan nito?
Ayon sa alamat, nag-umpisa ang araw na ito dahil kay Qu Yuan, sa isang kilalang makata at ministro ng State of Chu – isa sa mga 7 warring states (221BC - 206BC).
Si Qu Yuan ay malapit na tagapayo ng hari ng Chu, pero, dahil naiinggit ang ibang tagapayo ng hari, siniraan nila si Qu Yuan.
Ang resulta nalason ng mga aristokratang ito ang isip ng hari at ipinatapon si Qu Yuan sa kanyang lupang tinubuan.
Para ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang bansa, isinulat niya ang maraming tula na tulad ng Li Sao (The Lament), Tian Wen (Asking Questions to the Heaven) at Jiu Ge (Nine Songs).
Noong 278 BC, pagkatapos niyang sulatin ang huling obra maestra - Huai Sha (Embracing the Sand), tumalon siya sa ilog at nagpakalunod. Hindi kasi niya matanggap ang katotohanan nasakop na ng State of Qin ang kanyang bansa.
Sa kalaunan, ang State of Qin ang siyang naging Qin Dynasty – kauna-unahang dinastiyang nag-unipika sa buong Tsina.
Ang unang hari ng Qin Dynasty ay si Qin Shi Huang, ang pinaniniwalaang, nagpaumpisa ng pagtatayo ng Great Wall of China.
Nang marinig ng mga kababayan ang kanyang ginawa, sinibukan nilang hanapin ang katawan ni Qu Yuan sa ilog. Habang nagsasagwan, nagtapon ng mga kakanin ang mga tao upang ito ang kainin ng mga isda, sa halip na ang katawan ni Qu Yuan.
Pero, wala silang nakitang katawan.
Mula noon, taun-taon nang nagsasagwan at nagtatapon ng mga kakanin na tinatawag na zongzi ang mga tao sa ilog bilang paggunita sa kabayanihan ni Qu Yuan. At iyan ang pinagmulan ng dragon boat festival.
Eh, ano naman ang ibat-ibang customs at tradition kaugnay ng dragon boat festival? Tulad ng sabi natin kanina, nariyan syempre ang dragon boat races at pagkain ng zoing zi o kakanin na hugis parisukat bilang paggunita kay Qu Yuan..
Pero, mayroon pang iba, tulad ng pagsusuot ng perfume pouch, at paglalagay ng five-colour silk thread.
Ayon sa alamat, ang pagsusuot ng Perfume Pouch at pagtatali ng Five-colour Silk Thread ay para protektahan ang mga bata laban sa mga evil spirit. Kaya, sa araw na ito, maraming bata ang naglalagay ng ibat-ibang kulay na fragranced pouch sa kanilang mga kasuotan. Ang fragranced pouch ay gawa sa makukulay na sutla na binurdahan ng five-color silk thread.
Isa pang tradisyon ay ang pagsasabit ng five-colour silk tread sa kamay, paa, at leeg ng mga bata. Ang five-colour thread ay may espesyal na kahulugan at ito ay nagbibigay ng proteksyon laban sa mga sakit.
Sa araw na ito, hindi pinapayagang magsalita ang mga bata hanggat hindi pa nakasabit ang mga five-colour thread sa katawan nila. Pagkaraan ng unang ulan sa tag-init, saka lamang maaring alisin ng mga bata ang mga nakasabit na five-colour thread.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |