|
||||||||
|
||
20160707ditorhio.m4a
|
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-118 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas at Ika-41 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyon ng Pilipinas at Tsina, magkakasunod na itinanghal Hulyo 1 at 2, 2016 ang mga pelikulang "Bonifacio: Ang Unang Pangulo at Heneral Luna.
Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Minister at Consul General Elizabeth T. Te, na napili ang dalawang pelikula na ipalabas sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing upang ipakita sa mga Pilipino at mga kaibigan mula sa ibat-ibang bansa ang mga napaka-importanteng papel na ginampanan nina Andres Bonifacio at Antonio Luna upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga mananakop.
Ang mga ito rin aniya ay napiling ipalabas upang ipakita sa buong mundo ang ilang importanteng kaganapan sa kasaysayan ng Lahing Pilipino, na humubog sa kultura, pag-iisip at kamalayan ng bansa.
Makakatulong aniya ang mga pelikulang ito upang mapalakas ang pag-unawa ng Tsina at buong mundo sa kultura at paniniwala ng mga Pilipino.
Sina Minister at Consul General Elizabeth T. Te (kaliwa sa litrato) at Rhio Zablan, reporter mula sa Serbisyo Filipino ng CRI
Si Daphne O. Chiu, Line Producer ng pelikulang "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" at "Heneral Luna"
Si Ariel Diccion, Pilipinong Guro sa Peking University
Sina Yuchen "James" Ma, isa sa mga Tsinong kumukukuha ng kursong Philippine Studies sa Peking University (kaliwa sa litrato) at Rhio Zablan, reporter mula sa Serbisyo Filipino ng CRI
Si Youyang "Neomi" Zheng, isa ring mag-aaral ng Peking University
Sina Lotta Kaariainen, Assitant to Defense Attache ng Embassy of Finland sa Tsina (kanan sa litrato) at Rhio Zablan, reporter mula sa Serbisyo Filipino ng CRI
Sina Raja Guru, Junior Warrant Officer ng Office Superintendent & Asst to Air Attache ng Embassy of India sa Tsina (kanan sa litrato) at Rhio Zablan, reporter mula sa Serbisyo Filipino ng CRI
Sina Hung Hoi Lan, Direktor ng Business Development Department Hilton Hotel sa Beijing (kanan sa litrato) at Rhio Zablan, reporter mula sa Serbisyo Filipino ng CRI
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |