|
||||||||
|
||
20160630ditorhio.m4a
|
Sa kanyang pagdalaw sa himpilan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, sinabi ni Carla Lim, Diplomatic Correspondent ng TV5, na marami siyang natutunan sa kanyang pagdalo sa isang maikling kurso hinggil sa takbo ng media ng Tsina.
Ani Lim, natutuwa siya dahil, marami siyang nalinawang miskonsepsyon hinggil sa tunay na papel ng Chinese media.
Isa sa mga ito ang haka-haka, na ang Chinese media di-umano ay para sa propaganda lamang; hindi naman ito ang tunay na katotohanan, aniya.
Sabi ni Carla, mayroong mga state-owned at market-owned media ang Tsina, at ginagawa ng mga mamamahayag na Tsino ang kanilang trabaho upang ipaalam sa mga mamamayan at kinauukulan, kung may mga pagkukulang ang mga ahensiya ng pamahalaan, lalo na pagdating sa mga serbisyong panlipunan.
Aniya pa, may mga investigative stories din na inilabas ang Chinese media na nagpapakita ng korupsyon mula sa mga opisyal ng pamahalaan: at dahil dito, may ilang mataas na opisyal nang naparusahan at nililitis.
"Kung hindi ginagawa ng mga Chinese journalist ang kanilang trabaho, siguro hindi mapaparusahan ang mga tiwaling opisyal," aniya pa.
Pagdating naman sa kultura ng Tsina, marami ring natutunan si Lim tulad ng hindi pala totoo ang mga balitang walang relihiyon ang Tsina.
Aniya, sa kanyang pagdalo sa naturang maikling kurso, nalaman niya na mayroon palang 4 na pangunahing relihiyon ang Tsina: Kristiyanismo, Budismo, Islam, at Taoismo.
Masayang ikinuwento ni Carla, na taliwas sa alam ng marami, masayahin at matulingin naman pala ang mga Tsino.
"Kapag alam nilang dayuhan ka, at kailangan mo ng tulong, talagang hindi ka nila iiwanan hanggat hindi ka nila natutulungan," dagdag ni Lim.
Sa paanyaya ng Chinese Embassy sa Pilipinas, si Lim ay nagpunta sa Beijing para sa maikling kurso hinggil sa takbo ng media ng Tsina, na nasa ilalim ng pagtataguyod ng Ministry of Commerce ng Tsina at inorganisa ng China International Publishing Group (CIPG).
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |