|
||||||||
|
||
Melo 20170705
|
Mga kasapi ng ISIS ang nasa likod ng pananalakay sa Marawi City
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga ISIS ang nasa likod ng pananalakay sa Marawi City.
Sa kanyang talumpati sa mga kawal sa Saranggani, sinabi ni Pangulong Duterte na nabatid na niya ang pagkilos ng mga ISIS sa Mindanao. Naglalakbay sila patungo sa Middle East at bumabalik sa Mindanao upang kumuha ng kautusan o instructions.
Hindi nga lamang nila mapagbawalan sapagkat wala namang ginagawang labag sa batas sa paglalakbay. Ikinagulat niyang armadong tunay ang mga Maute at ang kakampi nitong mga Abu Sayyaf.
Nagpasalamat siya sa mga kawal sapagkat suportado siya. Nangako siyang gagantimpalaan ang mga anak ng mga kawal sa pamamagitan ng trust fund na pangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Bibili rin siya ng sandatang mga kalibre .45 para sa lahat ng kawal at pulis upang makaligtas sa mga masasamang loob.
Idinagdag pa ni G. Duterte na nauunawaan nina Senador Manny Pacquiao, Panfilo Lacson at Gregorio Honasan ang situwasyon sa Mindanao bagama't marami pang senador ang 'di nakauunawa ng tunay na larawan ng Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |