|
||||||||
|
||
Magdaragat na Vietnames, pinugutan
PINUGUTAN ng Abu Sayyaf ang dalawang Vietnamese na tripulante ng isang barkong naglalayag sa Mindanao. Tatlong Vietnamese pa rin ang nasa kamay ng Abu Sayyaf.
Ang mga napugutan ay kinilalang sina Hoang Thong at Hoang Va Hai. Natagpuan ang kanilang mga bangkay sa Barangay Tumahubong sa Sumisip kanina ng isang naninirahan sa pook.
Ayon kay Col. Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Basilan, natagpuan ang mga labi bago sumapit ang ika-anim ng umaga. Sasailalim ang mga labi sa forensic examinations kasabay ng kanilang pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng Embahada ng Vietnam sa Maynila.
Nabihag ang mga Vietnames na sakay ng MV Royal 16 noong nakalipas na ika-11 ng Nobyembre sa may Sibago island sa Basilan. Isa sa mga hostages, isang 28 taong gulang na kinilala sa pangalang Hoang Vo ay nailigtas ng mga kawal sa Sampinit Complex, sa Sumisip noong nakalipas na buwan.
Hawak pa ng mga Abu Sayyaf sina Pham Minh Tuan, Do Trung Hieu at Tran Khac Dung. Tuloy pa rin ang rescue operations ng Armed Forces of the Philippines upang mabawi ang tatlong iba pa.
Mula noong nakalipas na Bagong Taon, umabot nasa 83 mga Abu Sayyaf ang napaslang. May 14 ang napaslang sa Basilan, 62 sa Sulu at pito sa Tawi-Tawi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |