|
||||||||
|
||
Hindi inakala ng pamahalaan na ganoon kalakas ang mga armado sa Marawi City
INAMIN ni Presidential Legal Adviser Salvador Panelo na hindi inaasahan ng pamahalaan na ganoon kalakas ang mga Maute at iba pang mga terorista sa Marawi City na tumagal sa pakikipaglaban sa mga kawal ng higit sa isang buwan.
Depende na lamang umano sa magaganap sa Marawi City ang pagpapaiksi o pagpapatagal ng Martial Law sa Mindanao. Ito ang pahayag ni Atty. Panelo sa isang panayam sa mga mamamahayag.
Ani Atty. Panelo, ang pagpasok ng mga banyaga sa pakikipaglaban sa pamahalaan ay isang nakababahalang pangyayari. Mayroon bang sapat na dahilan upang tapusin o pahabain pa ang batas militar, tanong pa ni Atty. Panelo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |