|
||||||||
|
||
New People's Army, kabilang sa target ng Armed Forces of the Philippines
BINANGGIT ni Brig. General Restituto Padilla na kabilang sa kanilang misyon ang pagpapahina sa New People's Army samantalang deklarado ang Martial Law sa Mindanao.
Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni General Padilla na naglabas ang mga NPA ng direktiba sa kanilang mga tauhan na paigtingan ang pagsalakay sa mga pulis at kawal. Tugon lamang ang kanilang gagawing pagkilos laban sa mga New People's Army guerillas.
Ani General Padilla, kung walang ganong kautusan, walang gagawing pagkilos ang pamahalaan. Kahit pa umano may operasyon ang pamahalaan laban sa mga NPA, hindi ito sapat na dahilan upang hindi makipag-usap ang mga NPA sa pamahalaan sa pagpapatuloy ng peace talks.
Target din ng pamahalaan ang illegal drugs criminals, dagdag pa ni General Padilla. Madadakip at madadakip din ang mga kriminal na may kinalaman sa illegal drugs sapagkat tuloy din ang kanilang operasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |