|
||||||||
|
||
Labanan sa Marawi City, pumasok na sa ika-44 na araw
MAY 343 mga armado ang napapaslang sa pakikipagsagupa sa mga kawal ng pamahalaan. Ayon kay Communications Director Omar Alexander Romero, mayroon ding 39 na sibilyan ang napaslang ng mga Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City samantalang may 85 mga kawal at pulis ang napaslang.
May 1,722 mga sibilyan ang nailigtas ng mga alagad ng batas, tauhan ng pamahalaan at mga civil society organizations mula noong nakalipas na buwan ng Mayo at Hunyo. Nabawi na rin ng pamahalaan ang may 420 sandata.
Nabawi nan g mga kawal ang Dansalan College na isang pinagkutaan ng mga Maute. Nagpasalamat din ang Armed Forces of the Philippines sa naging desisyon ng Korte Suprema sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Nakalikom na rin ang pamahalaan ng pondo para sa mga nasawing tauhan ng Armed Forces of the Philippines ng higit sa P 2.9 bilyon. Ang pondo para sa mga lumikas ay umabot nasa higit sa P 700,000.
Samantala, ipinaliwanag ni General Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na mahalaga ang Dansalan College sa kanilang pagkilos sa Marawi City sapagkat nakatayo ito sa isang burol na nasa gitna ng lungsod. Kita umano ang buong Marawi City mula sa Dansalan College. Nalinis na nila ang buong gusali at mga kalapit pook sa mga pampasabog na iniwan ng mga Maute at Abu Sayyaf.
Ani General Padilla, maraming mga bangkay ang nabawi kasabay ng kanilang imbakan ng mga sandata. Nabawi rin kahapon ang labi ng mga pinaniniwalaang banyagang mandirigma at labi ng isang Singaporean subalit hindi pa sapat ang kanilang impormasyon.
Mayroon umanong mga banyagang nasa Marawi City na nakikipaglaban sa pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |