|
||||||||
|
||
20170717 Melo Acuna
|
HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na bigyan ng palugit na 60 araw ang Martial Law na kanyang idineklara noong nakalipas na Mayo 23.
Hiniling din niya na magkaroon ng special session ang Senado at Kongreso sa kanyang kahilingan.
Ani Senate President Aquilino Pimentel III, hiniling ng pangulo ang palugit para sa buong Mindanao. Si Pangulong Duterte mismo ang humiling ng palugit. Binanggit ng pangulo ang kahilingan samantalang katabi sina G. Pimentel, Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Farinas, Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Secretary Alan Peter Cayetano.
Hindi pa natatanggap ng Senado ang liham na naglalaman ng kahilingan.
Sinabi ni Majority Leader Farinas na magsasama ang dalawang kapulungan upang pagusapan ang kahilingan ng pangulo. Magsisimula ang special session sa ganap na ika-siyam ng umaga.
Pinahihintulutan ng 1987 Constitution ang pangulo na magdeklara ng Martial Law sa loob ng 60 araw. Gaganapin ang joint session sa Batasang Pambansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |