Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga alagad ng batas, lumapit sa Simbahan

(GMT+08:00) 2017-10-03 17:27:10       CRI

SINABI ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas na may mga alagad ng batas na lumapit sa kanila at humiling ng ipagkanlong at ipagsanggalang. Nagpahayag ang mga ito na handa silang lumabas sa madla at ihayag ang kanilang papel sa mga pagpaslang na naganap sa nakalipas na ilang buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Arsobispo Villegas na nababagabag na sila ng kanilang konsensya.

Aalamin umano nila ang katapatan ng mga lumalapit sa kanila at aalamin ang katotohanan sa kanilang mga salaysay. Ayon umano sa alituntunin ng Simbahan at batas, handa silang tanggapin ang mga lalapit sa Simbahan, mabibigyan ng matitirhan at proteksyon hindi lamang sa kanila kungdi sa kanilang pamilya na rin. Obligasyon umano ito ng bawat Katoliko, dagdag pa ng arsobispo.

Kung talagang handang magpahayag ang mga alagad ng batas, titiyakin ng Simbahan na hindi pipilitin ang mga magsasalitang ito. Hindi makikialam ang simbahan sa kanilang personal na desisyong lumantad. Hindi rin sila ibibigay sa Witness Protection Program ng pamahalaan.

Nanawagan si Arsobispo Villegas sa kanyang mga pari sa Lingayen-Dagupan na buksan ang kanilang mga puso, mga kumbento at mga seminaryo at iba pang ligtas ng mga gusali at tiyaking mananatiling ligtas ang mga alagad ng batas na nagnanais humarap sa tamang lugar sa tamang panahon.

Sinabihan din ang mga pari na huwag magsasalaysay ng detalyes ng mga humihingi ng kanlungan. Kailangan ang mga volunteer lawyers at alternative law groups na tumulong upang matiyak na walang sinumang alagad ng simbahan ang makikialam sa mga magiging pahayag.

Ito ang laman ng kanyang pahayag na inilabas ngayong ikalawang araw ng Oktubre.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>