|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagsasanay ng mga Amerikano at Filipinong kawal
SA likod ng mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tutuldukan na ang pagsasanay ng mga Americano at mga kawal na Fillipino, inilunsad kanina ang pagsasanay na may pangalang Kamandag na nangangahulugan ng Kaagapay Ng Mga Mandirigma Ng Dagat.
Matatapos ang pagsasanay sa darating na Miyerkoles, ika-11 ng Oktubre sa iba't ibang bahagi ng Luzon.
Magdudulot umano ang pagsasanay ng dagdag na kakayahan sa kawal na Americano at Filipino na lumaban sa mga terorista. Higit pa umanong titibay ang relasyon at pagtutulungan ng mga kawal na Americano at mga Filipino.
Natapos na rin nila ang bilateral humanitarian at civic assistance projects sa Casiguran sa Aurora province.
Mapapalaban ang mga terorista sa kahandaan ng mga Americano at Filipino sa pagtugon sa pangangailangan ng combat-livesaving, shipboard mass casualty response, live fire training, urban operations, pagkilos ng mga kawal mula sa mga barko patungo sa baybay dagat at humanitarian assistance.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |