|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Salapi ang kailangan sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila
HINDI makakaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng traffic enforcement lamang ang pagpapaluwag sa napakabagal na daloy ng mga sasakyan sa mga lansangan tulad ng Epifanio delos Santos Avenue, Circumferential Road 5 at maging sa Roxas Blvd.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Dr. Primitivo Cal, isang dating undersecretary ng Department of Transportation and Communications noong panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos na kailangan ang salapi upang makapagbukas ng mga bagong lansangan sa Metro Manila.
Niliwanag din niyang nararapat nang alisin ang "number coding" sa mga sasakyan sapagkat lalong dumarami ang mga sasakyan sa mga lansangan lalo pa't bumibili ng dagdag na sasakyan ang iba pang may kaya.
Nararapat ding pagbutihin ang sistema ng mass transport tulad ng MRT3 sapagkat ito ang magiging alternatibo sa mga pribadong sasakyan.
Idinagdag pa ni Dr. Cal na kung mayroong maaasahang mass transport, hindi na magdadala ng mga pribadong sasakyan ang mga may kaya sapagkat sasakay na rin sila sa tren tulad ng nagaganap sa Singapore.
Sinabi naman ni retired General Teroy Taguinod na pinakamaraming lumalabag sa batas trapiko ay ang mga nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero sa hindi angkop na lugar.
Pangalawa rin sa mga lumalabag ang walang ingat sa pagmamaneho o reckless drivers.
Para kay dating LTO Assistant Secretary at LTFRB Chairman Alberto Suansing, maraming nararapat bigyang pansin ang pamahalaan upang maayos ang sistema.
Tinuligsa naman ni George San Mateo, pangulo ng PISTON, ang plano ng pamahalaang modernisasyon ng pampublikong transportasyon sapagkat higit umanong mababaon sa hirap ang mga tsuper ng jeep sa bagong programa ng gobyerno.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |