Pangulong Duterte, naniniwalang ginagamit sina CJ Sereno at Ombudsman Morales ng mga kalaban
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na naniniwala si Pangulong Duterte na ginagamit ng mga kalaban sa politika sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales upang mapatalsik siya sa poder.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Abella na ito ang dahilan kaya hinamon ni Pangulong Duterte ang dalawang sumabay sa kanya sa kanyang pagbibitiw. Pumayag umano ang dalawang babaeng opisyal na magamit ng mga kalaban sa politika upang siraan ang pamahalaan.
Iginagalang pa umano ni Pangulong Duterte ang mga institusyon kahit nagdududa siya sa ilang mga opisyal.
1 2 3 4 5