Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga alagad ng batas, lumapit sa Simbahan

(GMT+08:00) 2017-10-03 17:27:10       CRI

Ekonomiya ng Pilipinas, higit na uunlad sa ikalawang bahagi ng taon

NANINIWALA si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na lalago ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang bahagi ng 2017 higit pa sa 6.4% na nakamtan mula Enero hanggang Hunyo.

Ito ang kanyang pahayag sa panayam sa pagbubukas ng National Statistics Month sa Mandaluyong City.

Tumanggi naman siyang magbigay ng tinatayang bilang para sa ikatlo at ikaapat na kwarter ng 2017.

Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.4% mula Enero hanggang Marso at 6.5% mula Abril hanggang Hunyo. Ito ang dahilan kaya't umabot sa 6.4% ang gross domestic product ng bansa.

Ang magsusulong ng ekonomiya sa ikalawang bahagi ng taon ay ang consumer spending at mas masiglang merchandise exports.

Magkakaroon umano ng mas masiglang paggasta samantalang uunlad ang sektor ng pagsasaka. Maganda na rin ang exports ng Pilipinas, dagdag pa ni Secretary Pernia.

Umaasa ang pamahalaan sa pagkakaroon ng 6.5 hanggang 7.5% economic growth.

Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority ang third quarter economic growth figures sa ika-16 ng Nobyembre.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>