Isyu ng Myanmar, pinag-usapan nina Wang Yi at Julie Bishop

2024-08-21 16:04:19  CMG
Share with:

Nakipagpulong Agosto 20, 2024 sa Beijing, si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina kay Julie Bishop, espesyal na sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa isyu ng Myanmar.

 

Ipinahayag ni Wang na patuloy na iginagalang ng Tsina ang soberanya, kalayaan, pambansang pagkakaisa, at integridad ng teritoryo ng Myanmar, iginigiit ang hindi pakikialam sa mga suliraning panloob, sumusunod sa prosesong pangkapayapaan na pagmamay-ari at pinamumunuan ng mga mamamayang Myanmar, at sinusuportahan ang ASEAN sa pagganap ng pangunahing papel sa isyu ng Myanmar.

 

Ani Wang, may natatanging papel ang espesyal na sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng UN sa isyu ng Myanmar. Nakahanda aniya ang Tsina na magbigay ng suporta at tulong sa espesyal na sugo para maisakatuparan ang tungkulin nito sa pagganap ng konstruktibong papel sa pagkamit ng rekonsiliasyong pulitikal at pangmatagalang kapayapaan at stabilidad sa Myanmar.

 


Inihayag naman ni Bishop ang kahandaan niyang pahigpitin ang pakikipagkoordinahan at palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina at ASEAN para makamit ang konsensus sa maayos na paghawak sa isyu ng Myanmar.

 

Salin: Tala

 

Pulido: Ramil