Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang Harding Punong-puno ng Leon

(GMT+08:00) 2012-03-09 17:21:56       CRI

Isa pa sa mga harding ipinagmamalaki ng Suzhou ay ang Lion Grove Garden o Shi Zi Lin Yuan. Kilala ang hardin na ito dahil sa higanteng grotto ng batong Taihu sa gitna ng hardin. Ang mga batong ito daw ay may hitsurang mga leon, kaya naman itinawag ang hardin na ito na Lion Grove Garden. At ito ay kasama sa listahan ng UNESCO World Heritage Site.

Ang harding ito ay naitayo noong 1342 sa kapanahunan ng dinastiyang Yuan ng isang monghe kasama ng isang grup ng mga disipulo ni Buddha bilang ala-ala sa kanilang master na si Zhongfeng. Ang pagmamay-ari sa harding ito ay lumipat ng hindi kokonteng beses sa kamay ng iba't ibang tauhan, nasira at naayos ng ilang ulit. Hanggang nabili ito ng pamilyang Bei noong 1917 at ibinigay sa gobyerno ng Tsina pagkatapos ng pambansang liberasyon at simula noo'y na-alagaan nang mabuti ang harding ito hanggang sa kasalukuyan.

May laking sampung libong metro kwadrado ang harding ito. Ang Lion Grove Garden ay nababagay bilang isang pasyalan dahil naglalaman ito ng mayayamang pabilyon sa iba't ibang istilo, at ang bawat isa ay may kwento at kasaysayan.

Samantala, ang pinakadinarayo pa ding lugar sa hardin na ito ay ang mga labyrinthine rockery na karamihan ay gawa sa limestone mula sa Taihu Lake sa syudad ng Wuxi ng Tsina. Maabilidad ang pagkakapatong at pagkakaayos sa mga batong ito na kung saan ay nagmukhang mga leon sa iba't ibang posisyon na may iba't ibang aktibidad, naglalaro, natutulog, sumasayaw at iba pa.

Back to Joshua's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>