Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

The Ice City

(GMT+08:00) 2011-05-11 17:24:07       CRI

Balik sa Blog ni Joshua                         

Mas marami pang litrato

Tourist spots: *****  Food: three spoons








Noong nakaraang pasko ng 2009, nagkaroon ako ng pagkakataong makapunta sa isa sa pinakamalamig na lugar sa Tsina tuwing winter season. Sa mga araw ng aming paglagi doon, pinakamainit na yata ang -20 degrees celcius. Mahigit 12 oras din kaming nasa loob ng tren mula Beijing hanggang Harbin. Mahigit 20 kaming magkakaibigan ang pumunta doon upang magbakasyon, karamihan ay mga taga-Thailand. Dahil sa matinding lamig na mararanasan dito, nabansagang the "Ice City" ang syudad na ito. Pamoso din ang bayang ito sa buong daigdig dahil sa taunang "Harbin International Ice and Snow Sculpture Festival" na ginaganap dito. Ang bayang ito ay dati ding nasakop ng bansang Rusya. Nahulaan niyo na ba? Ang aking tinutukoy ay ang pinakamalaking syudad sa Heilongjiang, ang Harbin.

Matapos kaming sunduin ng aming tourist guide mula sa tren diretso na agad kami sa city tour. Isa mga tourist site sa Harbin ay ang mga inprastrukturang iniwan ng bansang Rusya. Laganap pa sa lugar na ito ang mga gusaling may Rusyang disensyo. Isa sa mga pamosong simbahan dito ay ang Saint Sophia Cathedral. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong libutin ang loob nito dahil nabigyan lamang kami ng mga 15 minutos sa lugar na ito upang kumuha ng litrato at may entrance fee ito. Dinadayo din ng maraming turista ang Russian Souvenir Shop dito. Dahil nga sa malapit ang Rusya sa Heilongjiang, maraming kagamitang galing sa Rusya ang naipapasok dito. Samo't saring mga bagay mula tsokolate hanggang accessories na gawang Rusya ang mabibili dito.

Sympre, hindi din naming pinalampas ang taunang Harbin International Ice and Snow Sculpture Festival sa ikalawang araw. Isa sa apat na pinakamalaking ice and snow festival sa buong mundo ang ginaganap sa Harbin. Ang opisyal na pagbubukas ng nasabing Festival ay January 5, ngunit bago ang araw na ito ay makikita niyo na ang iba't ibang ice sculpture hindi lang sa mga mismong exhibition area pati sa mga palipaligid ng syudad ay mayroon.

May dalawang exhibition areas kaming pinuntahan: ang Sun Island at ang Ice and Snow World. Inuna namin ang Sun Island. Karamihan na ipinapakita dito ay mga sculpture na gawa sa snow o nyebe. Iba't iba ang hitsura, laki ang makikita dito.

Nang matapos naming libutin ang Sun Island, tumungo naman kami sa Ice and Snow World. Bago pa man pumasok sa lugar, tumambad na sa aming harap ang malaking isturctura na gawa sa bloke-bloke ng yelo at nakapaloob pa dito ang higanteng litrato ng Harbin Beer. Mas nabighani pa ako nang ako'y pumasok na sa loob ng Ice and Snow World. Naglalakihang pamosong istruktura ng iba't ibang bansa tumambad sa harap ng aking mga mata, tulad nalang ng Tiananmen Square ng Tsina, Leaning Tower of Pisa sa Greece, Eiffel Tower sa Paris at iba pa. Talaga namang nakakabighani ang ganda nito dinagdagan pa ng makulay na ilaw sa loob ng mga yelo na nagpalutang pa ng kagandahan ng istruktura. Sa taong ding iyun una nilang sinubukan ang paggamit ng LED na mga ilaw, kaya't lalong nagging kaakit-akit ito dahil sa pagpapalit-palit ng mga kulay ng ilaw. Kahit nangangatog na sa lamig ang aming mga katawan, walang tigil pa din ang pag-picture picture namin.

Nagtungo naman kami sa Seberian Tiger Park at sa Harbin Polarland sa aming ikahuling araw sa Harbin. $50rmb ang entrance fee sa Siberian Tiger Parl. Ang mga Tigre dito ay malayang nakakaikot, kaya't bago kami makapasok mismong park kinailangan naming sumakay sa isang bus. Masayang masaya ang lahat tuwing may dumarating papalapit sa aming bus na tiger, nag-uunahan lahat sa pagkuha ng litrato. Maaari ding pakainin mga turista ang mga tiger sa maliit na fee lamang. Manok $40rmb, o kaya buong Ox sa halagang $1500rmb. Dito papalayain ang Ox sa gitna ng mga tigre at makikina mo kung paano ito kakainin ng mga tigre. Wala sa amin ang naglakas na magpakain ng kahit ano man sa mga tigreng ito. Mga isang oras din kaming nasa loob ng parke.

Sa Harbin Polarland naman ay makikita ang mga samu't saring isda, nag-cucutang mga penguins at mga naglalakihang Polar bears. Nagkaroon din ng maikling presentasyon ng mga sea lion. Inabot din kami ng mahigit na isang oras sa loob nito.

Dumako naman tayo sa pagkain sa Harbin. Isa sa mga specialty ng Harbin ang dumpling. Iba ang lasa at pagkagawa nito kumpara sa aking nakakain sa Beijing. Mas malambot ito kumpara at mayroon pang filling ng isda na madalang makakakaen sa ibang parte ng Tsina. Uso din dito ang pagkain ng hotpot na istilong Rusyan. Mayroon ding silang espesyal na putaheng gulay na iba ang lasa, maaaring masarap para sa iba, ngunit hindi ko masyado nagustuhan. Hindi ko din nakalimutang uminom ng pamosong Harbin Beer. Tulad ng mga beer sa Tsina, masarap din ang lasa nito. Simple, hindi gaanong katapang.

Sa kabuuan, nagging makabuluhan ang aking trip sa Harbin, hindi lang dahil sa kaakit-akit na tourist spots dito, dahil din sa kasama ko ang aking mga kaibigan ditto. Sana nga lang mas madami pa akong nakaing delicacies ng Harbin.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>