Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Munting Hardin ng Suzhou

(GMT+08:00) 2012-03-02 14:48:21       CRI

Maliban sa Administer's Humble Garden, ang Master of Nets Garden or Wangshiyuan ay isa din sa mga pinakamaganda at pinakakilalang hardin sa Tsina. Ito ay isa sa mga klasikal na hardin sa Suzhou na kabilang sa UNESCO World Heritage Site. Hindi lamang dahil sa ganda ng hardin kaya ito kilala sa buong Tsina kung hindi dahil din sa kakaibang konstruksiyon nito na nagbibigay ng isang ilusyon.

Ang Master of Nets Garden ay tinawag na Ten Thousand Volume Hall noon at naitayo sa panahon ng dinastiyang Song bilang isang humble fisher's garden. Ang naunang nagmay-ari sa harding ito ay si Shi Zhengzhi. Matapos niyang mamatay, ang pagmamay-ari dito ay naipasa na sa hindi kokonteng kamay.

Ang harding ito ay nahahati sa dalawang bahagi, ang silangan at kanlurang bahagi ng hardin, na may lawak na 5,200 metro kuwadrado. Sa silangang bahagi matatagpuan ang mga residensyal na pamamahay habang sa kanlurang bahagi naman matatagpuan ang mga gusaling nakapalibot sa mahigit 330 metro kwadradong Rosy Cloud Pool. Nahahati din naman sa dalawang bahagi ang Rosy Cloud Pool. Sa timog bahagi nito ginaganap ang mga pangsosyal na aktibidad habang sa hilaga naman ang mga intelektwal na mga akbtibidad.

Ang nakakabilib sa konstruksyon ng harding ito ay kahit hindi talaga ito kalakihan, ngunit dahil sa pagkakaayos ng mga gusali, pabilyon, daanan, mga bato sa tabi ng Rosy Cloud Pool, aakalain mong napakalaki at napakalawak ng lugar na ito. At ang katangiang ito ang siyang nagpapatingkad pa lalo sa kagandahan ng Master of Nets Garden, isang katangiang hindi makikita sa anumang hardin sa Tsina, munti ngunit kabigha-bighani.

Back to Joshua's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>