|
||||||||
|
||
Isa sa pinakadinadayuhang hardin sa Suzhou ay ang Humble Administrator's Graden. Ito ang pinakamalaking hardin sa Suzhou na may lawak na 51,910sqm, ito din ang pinakamagandang hardin sa timog ng Tsina. At noong 1997, ang Humble Administrator's Garden ay idineklarang UNESCO World Heritage Site.
Itinayo ang harding ito noong 1509 sa kapanahunan ng dinastiyang Ming. Sa umpisa ito ay isang pribadong hardin ng isang opisyal sa gobyerno. Naisip niyang itayo ito para sa kanyang pagretiro na kung saan ay maaari siyang magtanim ng puno at mga gulay sa naturang hardin, na itunuring niyang isang simple o humble na pamumuhay, at dito nakuha ang pangalang Humble Admistrator's Garden.
Kilala ang Humble Administrator's Garden sa elegenate at klasikal na mga hardin maliban sa maliliit na katubigan at kagubatan na matatagpuan dito at dahil sa kakaibang disentyo at kagandahan ng mga ito, nakamit ng Humble Administrator's Graden ang hindi kokonteng parangal. Maliban sa pagkakasama sa World Heirtage Site ito din ay isa sa mga Cultural Relics of National Importance na nasa proteksyon ng estado at isa ding espesiyal na panturistang atraksyon sa Tsina. Ang harding ito ay isa din sa apat na pinakapamosong hardin sa buong Tsina na kinabibilangan ng Summer Palace sa Beijing, Mountain Resort sa Chengde ng probinsyang Hebei at Lingering Garden na matatagpuan din sa Suzhou.
Ang hardin ay nahahati sa tatlong bahagi, silangan, gitna at kanlurang bahagi kasama na din ang mga bahay ng mga nakaraang may-ari. Sa silangang bahagi ng hardin matatagpuan ang mga nagbeberdeng damo, maliliit na bundok at makakapal na kawayan at ang Celestial Spring Pavillion. Habang sa gitnang bahagi naman, maliban sa naglalakihang puno, matatagpuan din dito ang katubigan na sumasakop sa mahigit 30% ng lugar.
Maliban diyan makikita din dito ang Hall of Distant Fragrance dahil sa mga mahahalimuyak na lotus sa paligid nito at ang Small Flying Rainbow Bridge. At ang kanlurang bahagi nama'y nahahati sa dalawang bahagi isang bahagi ay ang 18 Camellias Gall at ang kabilang bahagi naman ay ang Duck's Hall.
Back to Joshua's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |