Hakbang ng Tsina sa pagpapabuti ng daigdig sa gitna ng pandemiya, lubos at malawakang pinapupurihan ng daigdig

2020-11-26 11:29:32  CMG
Share with:

Ipininid kamakailan sa Guangzhou, punong lunsod ng probinsyang Guangdong ng Tsina, ang pandaigdigang pulong na “Understanding China” sa taong 2020.

 

Sa pamamagitan ng video link, inilahad sa pulong ni James Gordon Brown, dating Punong Ministro ng Britanya, ang ibinibigay na ambag ng Tsina sa pandaigdigang kooperasyon.

 

Aniya, sa gitna ng dalawang presyur mula sa pagkalat ng pandemiya at resesyong ekonomiko, di-karapat-dapat ang gawain  ng ilang “panatikong bansang ipinagtatanggol lamang ang sariling pribadong kapakanan.”

 

Nitong ilang taong nakalipas, puspusang sinusulsulan ng  ilang politikong Amerikano ang unilateralismo at hegemonyang pangkalakalan, at siniraang-puri ang sibilisadong proseso at bunga ng pag-unlad ng ibang bansa.

 

Resulta nito, malinaw na tumataas ang panganib at di-tiyak na elemento ng kabuhayang pandaigdig, at nahaharap ang pandaigdigang sistema ng kaayusan sa panganib ng pagbagsak.

 

Idinudulot ng napakalaking pagbabago ang napakalaking pagsubok.

 

Sa harap ng maraming uri ng krisis, kung hindi  magbabago ang tema ng siglo na  kapayapaan at kaunlaran, hindi rin magbabago ang tunguhin ng siglo tungo sa multi-polarisadong daigdig at globalisadong kabuhayan.

 

Ang multilateralismo at malayang kalakalan ay naaangkop sa komong kapakanan ng komunidad ng daigdig.

 

Sa aspektong ito, unibersal na pinapurihan ng maraming dayuhang politico ang pagpupunyagi at ginagawang responsibilidad ng Tsina.  

 

Bukod dito, ipinakikita ng mga hakbang na nabanggit ang kakayahan at determinasyon ng Tsina sa harap ng pandemiya at napakalaking pagbabago ng situwasyong pandaigdig.

 

Sa aspekto ng pagpapasulong ng reporma sa pamamagitan ng pagbubukas, at pagpapasulong ng pag-unlad sa pamamagitan ng kooperasyon, walang anumang pagbagal ang isinasagawang hakbang ng Tsina.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method