Xi Jinping, bumati sa pulong ng UN sa International Day of Solidarity with the Palestinian People

2020-12-02 10:54:41  CMG
Share with:

Ipinadala kahapon, Martes, Disyembre 1, 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pulong ng United Nations (UN) bilang paggunita sa International Day of Solidarity with the Palestinian People.

 

Sinabi ni Xi, na bilang "root problem" o ugat ng problema sa Gitnang Silangan, ang isyu ng Palestina ay may kinalaman sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, pagkakapantay-pantay at katarungan sa daigdig, at konsensya at moralidad ng sangkatauhan.

 

Iminungkahi ni Xi, na igiit ng komunidad ng daigdig ang two-state solution, at pasulungin ang prosesong pangkapayapaan sa Gitnang Silangan, batay sa mga resolusyon ng UN, prinsipyong "land for peace," at iba pang komong palagay ng daigdig.

 

Ipinahayag din ni Xi ang pagkabahala ng Tsina sa isyu ng Palestina, at pagsuporta sa mga pagsisikap na makakabuti sa mapayapang paglutas ng isyung ito.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method