14℃
Beijing

Mga lider ng Tsina at Rusya, nagpadala ng mensaheng pambagong taon sa isa’t isa

2020-12-31 19:17:17  CMG
Share with:

Sa ngalan ng kani-kanilang pamahalaan at mga mamamayan, nagpadala Huwebes, Disyembre 31, 2020 ng mensaheng pambagong taon sa isa’t isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
 

Ipinahayag ng kapuwa panig na sa taong 2020, tuluy-tuloy at mabilis na umuunlad ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
 

Nagtulungan anila ang isa’t isa para labanan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at matatag na sumusulong ang bilateral na kooperasyon sa kabuhaya’t kalakalan.
 

Anila, sa susunod na taon, magkasamang ipagdiriwang ng kapuwa panig ang ika-20 anibersaryo ng pagkalagda ng kasunduan sa kooperasyong pangkapitbansa at pangkaibigan ng Tsina at Rusya.
 

Kaugnay nito, nakahanda anila silang pahigpitin ang pagpapalitan, at walang humpay na palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, upang mapasulong ang pagtatamo ng bilateral na relasyon ng bagong tagumpay, at ihatid ang mas malaking kabiyayaan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method