Xi Jinping, nagpadala ng mensahe ng pangungumusta sa kanyang Mexican counterpart

2021-01-29 12:14:18  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkahawa ni Pangulong Andrés Manuel López Obrador ng Mexico sa coronavirus, nagpadala kamakailan ng mensahe ng pangungumusta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
 

Ipinaabot ni Pangulong Xi ang kanyang pangungumusta at hangarin ng mabilis na paggagaling kay Pangulong Lopez.
 

Saad ni Xi, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang Tsina at Mexico, at magkakapit-bisig na pinupuksa ang pandemiya. Buong tatag aniyang sinusuportahan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang paglaban ng panig Mexican sa pandemiya.
 

Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Lopez at ng kanyang pamahalaan, tiyak na pagtatagumpayan ng Mexico ang pandemiya sa lalong madaling panahon.
 

Salin: Vera

Please select the login method